-- Advertisements --

Pinaghahanda na ni British Prime Minister Boris Johnson ang mga kaalyadong bansa sa posibilidad na pagtatagal ng giyera sa Ukraine.

Sinabi nito na dedepende lamang ang nasabing tagal ng giyera sa pagiging matatag ng Ukraine.

Para tumagal aniya ang Ukraine ay dapat na magkaroon ng patuloy na pagpopondo at tulong teknikal.

Dahil dito ay nanawagan si Johnson sa mga kaalyado na magbigay ng mas maraming armas ang mga ito sa Ukraine.

Magugunitang bumisita sa pangalawang pagkakataon si Johnson sa Ukraine at nangakong patuloy itong magsusuporta para labanan ang ginawang paglusob ng Russia.