-- Advertisements --
Surpresang bumisita sa Ukraine si British Prime Minister Boris Johnson.
Ito na ang pangalawang pagbisita ni Johnson sa Ukraine mula ng lusubin ito ng Russia sa Pebrero.
Unang bumisita ang British Prime Minister noong Abril.
Nakipagpulong ito kay Ukrainian President Voldomyr Zelensky.
Isa sa mga tinalakay nila ang patuloy na pagbibigay na tulong ng UK sa Ukraine para ipagtanggol ang sarili laban sa Russia.