-- Advertisements --
Magsusuot pa rin ng face mask si United Kingdom Prime Minister Boris Johnson lalo na kapag ito ay nasa mataong lugar.
Sinabi ng British leader na ang nasabing hakbang ay bilang kortesiya sa ibang tao.
Iaanunsiyo rin nito sa darating na Hulyo 12 ang legal na pagtanggal na ng pagsusuot ng face mask sa England.
Kanila ring imo-monitor ng mabuti ng kaniyang gobyerno kung magiging malala pa ang kaso ng COVID-19 bago tuluyang luwagan ang restrictions.
Kahit na maluwag na ang restrictions ay magpapatupad pa rin ng self-isolation sa mga nagpositibo sa virus.










