-- Advertisements --
Pinaghahandaan na ng United Kingdom ang pagdaan ng bagyong Jocelyn.
Ito na ang pangalawang bagyo sa loob ng dalawang araw na makakaranas ang UK.
Ang unang bagyong Isha ay nagdulot ng malawakang pagbaha sa Northern Ireland, Scotland at England.
Maraming mga residente pa rin sa nasabing lugar ang nawalan pa ng suplay ng kuryente.
Dahil sa pagdating ng bagyong Jocelyn ay naglabas na ang UK ng flood warning sa malaking bahagi ng UK.
Ngayon lamang din nakaranas ang UK ng matinding lakas na aabot sa 159 kilometers per hour na hangin na ahng huli ay noong 20 taon na ang nakakalipas.










