-- Advertisements --

Magbibigay ang United Kingdom ng £500 milyon o katumbas ng P33-bilyon sa France para mapigilan ang pagtawid ng mga migrants.

Isinagawa ang anunsiyo sa pulong nina UK Prime Minister Rishi Sunak at French President Emmanuel Macron sa Paris.

Ang nasabing halaga ay mapupunta sa dagdag na 500 na mga kapulisan at paggawa ng mga bagong detention centers sa France.

Plano din ng UK na bayaran ang France ng mahigit P4-bilyon para talakayin ang nasabing problema.

Tiniyak din ng France na kanilang dodoblehin ang pagpopondo para sa pag-implementa ng batas subalit hindi nila binanggit kung magkano.