-- Advertisements --
Magtutulong ang United Kingdom, Italy at Japan para makagawa ng makabagong fighter jet.
Sinabi ni British Prime Minister Rishi Sunak na ang fighter jet ay gagamit ng artificial intelligence.
Layon din ng nasabing joint ventures ang magkaroon ng mas maraming trabaho sa UK at mapalakas ang security ties ng nasabing mga bansa.
Target nilang matapos ang fighter jets sa kalagitnaan ng 2030 na ito ang papalit sa kanilang Typhoon jet.
May kakayahan din itong magdala ng mga makabagong armas militar.
Sa nasabing bagong fighter jet ay tiyak na kaya nilang labanan ang anumang banta mula sa ibang mga bansa.