-- Advertisements --

Dumipensa ang United Kingdom sa pagbibigay nito ng depleted uranium sa Ukraine.

Ito ay kasunod ng babala ni Russian President Vladimir Putin na mapipilitan silang gumawa ng aksiyon kapag nagpadala ito sa Ukraine ng shells na gawa sa depleted uranium.

Inakusahan din ni Putin ang West ng pagpapadala sa ukraine ng mga armas na may nuclear component.

Iginiit naman ng Ministry of Defense ng UK na isang standard component ang depleted uranium at walang kinalaman sa nuclear weapons.

Liban dito, ilang dekada na rin aniyang ginagamit ng British Army ang depleted uranium para sa kanilang armour piercing shells.

Una ng kinumpirma ng UK na magpapadala ito sa Kyiv ng armour-piercing rounds ng Challenger 2 tanks subalit iginiit na ang mga ito ay mayroong low-risk ng radiation.