Nadagdagan pa ng 11 Chinese companies ang economic blacklist ng US government dahil sa di-umano’y paglabag ng mga ito sa karapatang pantao ng China’s Muslim minority groups kasama ang Uighurs.
Inanunsyo ng US Department of Commerce ang listahan ng 11 kumpanya at organisasyon tulad ng auto parts manufacturer na KTK Group at isang biometric research institution.
Napatunayan daw kasi ng ahensya na ang mga kumpanyang ito ay sangkot sa human rights violations at pag-abuso sa implementasyon ng kampanya ng China laban sa repression, mass arbitrary detention, forced labor at involuntary collection ng biometric data ng Muslim minority groups.
Hindi na papayagan ang 11 kumpanyang ito na magkaroon ng kahit anong negosasyon sa mga kumpanya sa Amerika.
Sa isang pahayag, sinabi ni Secretary of Commerce Wilbur Ross na ang naturang hakbang na ito ay para siguraduhin umano na lahat ng produkto at teknolohiya ng US ay hindi magagamiot ng Chinese Communist Party.
Isa lamang ito sa mga sanctions na ipinataw ng US sa China. Una rito ay 37 Chinese businesses at organizations na ang nasa blacklist simula noong Oktubre 2019.