Magpapatuloy ang bilateral security alliance at shared strategic and economic interests sa pagitan ng Pilipinas at United States sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ay matapos ang pakikipagtalakayan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo kay US Secretary of State Antony Blinken hinggil sa pagpapaigting ng shared alliances at sovereign partnership ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa isang statement ay kinumpirma ito ng kalihim kasabay ng pagbabahagi na ipinangako ng dalawang bansa bilang equal at sovereign partners sa pagtataguyod ng kapayapaan, kasaganaan, at kaayusan na nakasalig sa international law sa rehiyon.
Napagkasunduan din aniya ng Pilipinas at Amerika na magtulungan sa pagbuo ng resilient supply chains, pagtugon sa climate crisis, at maging sa transitioning ng clean energy.
Habang sa bukod na pahayag naman ay iniulat din ni Blinken na tinalakay nila ang iba pang usapin tulad ng economic cooperation, pagtutulungan sa pagpapalakas sa paggalang sa karapatang pantao kung saan ay binigyang-diin niya ang kahalagahan nito at ng rule of law.
Samantala, ito na ang ika-75 taong alyansa sa pagitan ng US at Pilipinas kung saan ay lubos na pinapahalagahan ang gobyerno-sa-gobyerno at mamamayan-sa-mamamayan na relasyon at ugnayan na tumagal na ng ilang dekada.