Natagpuang patay sa kaniyang bahay ang creator ng sikat na US TV sitcom na Ugly Betty na si Silvio Horta sa edad 45.

Kinumpirma ito ng kaniyang kampo subalit tumanggi na silang magbigay ng iba pang mga detalye sa pagkakatagpo ng kaniyang bangkay sa bahay nito sa Miami.

Labis naman ang kalungkutan ng bida sa sitcom na si America Ferrera matapos na mabalitaan ang pangyayari.

Sa kaniyang social media account nagpost ito ng larawan kasama ang nasabing creator.

Tumagal ng apat na taon ang nasabing TV sitcom mula 2006 hanggang 2010.

-- Advertisement --

Ginampanan kasi ni Ferrera ang bida na si Betty Suarez, isang babae na hindi mahilig sa usong pananamit na napasok sa sikat na New York fashion magazine.

Dahil sa kaniyang pagganap ay nakakuha ang 35-anyos na actress ng award sa Golden Globe at Emmy Award.