-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si UFC star Amanda Nunes.

Dahil dito ay hindi na matutuloy ang title fight nito kay Julianna Pena sa darating na Agosto 7 sa UFC 265 na gaganapin sa Houston.

Ito sana ang unang pagkakataon na maidepensa ni Nunes ang kaniyang bantamweight title na hawak niya mula pa noong Disyembre 2019.

Bukod pa sa two-division champion na si Nunes ay nagpositibo rin ang asawa nitong si Nina na lalaban din sana sa strawweight at maging ang kanilang sanggol na anak na si Reagan.

Nakatakdang iaanunsiyo ng UFC ang bagong petsa ng laban ni Nunes.