-- Advertisements --
Ibinunyag ni UFC President Dana White na nakaktanggap ito ng maraming tawag mula sa iba’t-ibang sports league at organizers.
Sinabi nito na humihingi ang mga ito ng payo kung paano niya nasimulan ang UFC sa kasagsagan ng coronavirus pandemic.
Dagdag pa nito na maraming mga estado ang tumawag rin sa kaniya at kaniyang pinayuhan kung paano agad na masimulan ang mga laro.
Ilan sa mga payo nito na dapat magkaroon ng ilang beses na pagsusuri o testing ang mga manlalaro at mga staff para matiyak na wala silang dalang mga sakit.
Magugunitang sinimulan nito noong Linggo ang UFC 249 sa payo na rin ni US President Donald Trump na simulan na ang mga sporting activities sa bansa.