-- Advertisements --
Masayang ibinalita ni UFC legend Ronda Rousey na ito ay apat na buwan ng buntis.
Kasama niya ang asawang si dating UFC fighter na si Travis Browne ay nagpost sila ng video sa social media at inanunsiyo ang nasabing balita.
Sinabi ni Rousey na noon pang Enero ay buntis na siya at hindi na niya ito maitago.
Dagdag pa nito na magpopost pa ito ng ilang detalye ng kaniyang pagbubuntis sa mga susunod na araw.
Magugunitang taong 2019 ng tumigil sa UFC matapos na ikasal kay Browne.










