Nire-respeto ng Palasyo ang naging pasya ng Sandiganbayan kaugnay ng pansamantalang paglaya ni dating Senador Bong Revilla Jr.
Ito ang reaksyon ng Malakanyang matapos mag desisyon ang sandiganbayan na payagang makapagpiyansa ang dating senador.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, na nasa kamay na rin ng prosecutors kung ano ang mga nararapat at tamang aksyon o remedyong kailangang gawin.
Sinabi ni Castro, dapat lamang na laging manaig ang batas at ang proseso.
Si Revilla ay pansamantalang nakalaya matapos payagan ng sandiganbayan at nakapagpiyansa ito ng isang milyong piso.
Sa resolusyong inilabas ng Anti Graft Court, sinabing nabigo ang prosecution na makapaglatag ng mabigat na ebidensiya para ma establish ang guilt ng akusado sa falsification of documents sa kasong malversation of funds.
















