-- Advertisements --

Nakabantay na rin ngayon ang Union of European Football Associations (UEFA) at FIFA sa mga kaganapan sa Russia at Ukraine.

Kapag lumala kasi ang tensiyon ay maapektuhan ang mga laro na doon nakatakdang gawin sa dalawang bansa.

Sa darating kasi na Mayo 28 ay gaganapin sa St. Petersburg, Russia ang UEFA Champions League Final na isa sa pinakamalaking football match sa men’s European club Football.

Noong 2018 kasi ay ginana sa Russia ang FIFA World Cup at UEFA Euro 2020.

Nauna ng kinansela ng UEFA ang Youth League Round of 16 sa pagitan ng Dynamo Kyviv at Sporting Lisbon na nakatakdang isagawa sa Kyviv sa March 2.