-- Advertisements --
Nagbabala ang health authorities sa United Arab Emirates (UAE) kasunod ng naitalang kaso ng monkeypox.
Ayon kay Bombo International Correspondent Evangeline Perez Espinosa, ang UAE ay ang unang Gulf country na nag-anunsyo na naka-detect ng naturang kaso.
Ang pasyente ay ang 29-anyos na babae na dumating mula sa West Africa.
Ayon sa Ministry of Health and Prevention, nagpapagaling na ngayon ang babae.
Sinabi rin ng ministry na in place ang precise mechanisms para sa pag-diagnose ng suspected patients.
May inihanda rin na comprehensive guide para sa surveillance, early detection ng virus, management ng clinically infected patients at precautionary measures.