-- Advertisements --
racer Jessi Combs
Jessi Combs/ Twitter image

Patay ang kilalang babaeng US race driver na si Jessi Combs matapos na bumangga ang kaniyang kotse.

Sinusubukan kasi nitong mahigitan ang record niya lulan ng jet-powered car nang mangyari ang aksidente sa Alvord Desert sa southeast Oregon.

Si Combs ang siyang naging pinakamabilis na babaeng race driver noong 2013 sa North American Eagle Supersonic Speed Challenger.

Umabot ito sa bilis na 398 mile per hour at noong Oktubre 2018 ay naabot niya ang 483.2 mph ang bilis.

Kabilang sa record nito ay ang unang babae na nakakuha ng puwesto sa Ultra4event at unang babae na sumali sa The Race of Gentlemen event.