-- Advertisements --

Mas lalong pinahigpit ang seguridad sa buong Estados Unidos kasunod nang posibilidad ng missile launch mula North Korea sa mga darating na araw.

Maaari umanong maging daan ang nuclear test na ito upang ihinto na ng North Korea ang kanilang self-imposed moratorium pagdating sa missile launches.

Ayon sa ilang U.S. officials, una nang nagsagawa ang NoKor ng engine test ngayong buwan kung saan pinaniniwalaan ng ilang eksperto na isinama nila rito ang mga makina para sa long-range missile.

Sinabi ni Anthony Wier, dating opisyal ng State department na nagbabantay sa nuclear disarmament para sa Friends Committe ng National Legislation, malaki ang kakayahan ng North Korea na sumubok ng bagong missiles para gamiting panakot sa Estados unidos at karatig bansa.

Una nang nagbabala ang North Korea sa pagpapadala umano nito ng “Christmas gift” para sa Estados Unidos. Anila, nauubusan na raw ng oras ang administrasyon ni US President Donald Trump hinggil sa kanilang nuclear negotiations.

Nakasalalay na rin daw sa U.S kung anong klaseng regalo ang nais nilang matanggap mula Pyongyang.