CAUAYAN CITY- Nagsimula na ang hearing sa U.S. Congress na magtatagal ng apat na araw para sa confirmation ni US. Appeals court judge Ketanji Brown Jackson matapos siyang i-nominate ni Pangulong Joe Biden na kauna-unahang black woman sa U.S. Supreme Court.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jon Melegrito, news editor ng isang pahayagan sa Washington DC na tinanong sa pagdinig ng House Judiciary Committee ang mga judicial policies ni Jackson.
Si Jackson na 51 anyos ay U.S. Circuit Judge sa US Court of Appeals para sa District ng Columbia Circuit.
Kung kukumpirmahin ng Kongreso ng Amerika, si Jackson ang ikalawang Black jurist mula sa apat na babae sa siyam na miyembro ng Korte Suprema ng Amerika.
Ayon kay Ginoong Melegrito, inaasahang magbobotohan ang mga miyembro ng US Congress sa susunod na linggo para sa kumpirmasyon ni Jackson.