Hindi na gaanong pinansin ni dating US President Donald Trump ang pagbabalik ng kaniyang Twitter account.
Kasunod ito sa anunsiyo ni Twitter CEO Elon Musk ng magsagawa ito ng survey kung puwede na bang ibalik ang account ni Trump.
Sinabi ng dating pangulo na wala itong nakikitang rason sa pagbabalik ng kaniyang account at hindi na ito interesado dahil sa may sarili na itong app na gawa ng Trump Media and Technology Group.
Magugunitang sinuspendi ang Twitter account ni Trump noong Enero 8, 2021 dahil sa ginagamit nito para manghikayat sa mga supporters na lusubin ang Capitol Hills at baguhin ng resulta ng halalan.
Mayroong mahigit 88 milyon followers si Trump sa nasabing social media at mula ng ibalik ito ay mabilis na umakyat sa 100,000 ang account nito ng wala pang isang oras.