-- Advertisements --
Ipapatawag pa rin ng Senate blue ribbon committee si Pharmally president Twinkle Dargani kahit ito ay pinalaya na ng Senado kaninang madaling araw.
Ayon sa liderato ng Senado, may commitment naman ang kampo ni Dargani na makikipagtulungan ito sa mga darating pang hearings.
Naka-schedule ang susunod na pagdinig ng blue ribbon committee sa darating na Enero 20, 2022.
Una itong naitakda ngayong linggo, ngunit hindi natuloy dahil sa panibagong lockdown sa gusali ng senado, bunsod ng mga kaso ng COVID-19.
Mananatili namang nakakulong sa Pasay City Jail sina Mohit Dargani at linconn Ong, habang ang dating pinuno ng PS-DBM na si usec. Llyod Christopher Lao.