-- Advertisements --

Nasangkot sa isang aksidente sa Los Angeles ang TV host na si Raymond Gutierrez.

Sa kaniyang Instagram ay nagpost ito ng larawan ng Uber na nasangkot sa aksidente.

Makikita sa post na nawasak ang harapang bahagi ng kotse.

Dagdag pa nito na nanginig ang buong katawan niya dahil sa pangyayari.

Nagpasalamat ito dahil walang gaanong nangyaring masama sa kaniya dahil nakasuot ang kaniyang seat belt.

-- Advertisement --

Pinasalamatan nito ang mga followers at kapwa artista na nangumusta sa kaniyang kalagayan.