Kinumpima ng television host at dating volleyball star na si Gretchen Ho na kabilang siya sa napili bilang isa sa mga torchbearers sa 2020 Summer Olympics sa Tokyo, Japan.

Ginawa ni Ho ang announcement sa kanyang official twitter account kung saan nagmula sa Tokyo 2020 Olympic Torchbearers Office ang pagkumpirma sa kanyang gaganaping papel.

Ayon naman sa TV host, ngayon pa lamang ay halos hindi na niya maantay ang taong 2020.

Ang Tokyo Olympics ay gaganapin mula July 24 hanggang August 9, 2020.

Agad namang bumuhos ang pagbati kay Gretchen mula sa kanyang mga fans at sa mga netizens.

gretchen ho torchbearer

Kung ipapaalala naglaro si Ho sa Ateneo Lady Eagles mula taong 2008 hanggang 2013.

Kabilang siya sa binansagang “fab five” na nagbigay sa Ateneo ng kanilang unang back-to-back UAAP finals appearances.