Personal na binisita ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang mga lugar na tinamaan ng magnitude 7.8 na lindol.
Kinausap nito ang mga pamilya ng mga nasawi at pagtitiyak nito na ginagawa nila ang lahat ng mga makakakaya para mailigtas pa ang ilang mga tao na naipit dahil sa lindol.
Ipinagtanggol din ng pangulo ang batikos dahil sa mabagal aniya ang kanilang pagresponde.
Sinabi nito na maraming mga nasirang kalsada at paliparan kaya hindi agad nakarating ang mga rescue groups.
Sa pinakahuling bilang ay umabot na sa halos 12,000 katao ang nasawi at inaasahan na madadagdagan pa ang nasabing bilang sa lindol na naganap sa Syria at Turkey.
Patuloy din ang pagdating ng mga rescuers at tulong mula sa iba’t-ibang bansa sa mga tinamaan ng lindol sa Syria at Turkey.