-- Advertisements --

Tiniyak ni Turkish President Tayyip Erdogan na ipaparating nito kay Russian President Vladimir Putin ang mga pangamba sa usapin ng Zaporizhzhia nuclear power plant.

Sinabi ni Erdogan na bibisita ito sa Russia matapos ang ginawang pagbisita kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Hiniling kasi ni Zelensky na dapat tanggalin na ng Russia ang mga nakatanim na mines malapit sa planta.

Dagdag pa nito na gagawa ito ng paraan para hindi na lumala pa ang nasabing kaguluhan.

Itinuturing kasi ng Turkish President ang sarili bilang broker na siyang taga-ayos ng gusot ng dalawang bansa.