-- Advertisements --

Kinansela ni Turkish President Tayyip Erdogan ang kaniyang pagdalo sa naka-schedule na campaign rallies dahil sa mayroon itong dinaramdam.

Sa kaniyang social media ay ipinaliwanag nito ang hindi pagdalo sa nasabing rally.

Sinabi nito na sinunod lamang niya ang payo ng kaniyang mga doctor na magpahinga.

Nauna rito ay pinutol niya ang isang panayam sa kaniya dahil sa pananakit ng kaniyang tiyan.