-- Advertisements --

Nakapulong ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan si Hamas’ top political leader Ismail Haniyeh sa Istanbul, Turkey.

Ito ang unang pagkakataon na nagpulong ang dalawa mula ng sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas noong Oktubre 7.

Sinabi ni Erdogan na lamang ng kanilang pagpupulong ay ang kahalagahan ng pagsusulong ng ceasefire.

Magpapatuloy din aniya magbibigay ang Turkey ng tulong sa Gaza para sa mga naiipit sa kaguluhan doon.