CEBU – Nag-viral online ang resibo na ipinost ng isang turistang bumisita sa Panglao Virgin Island sa Bohol dahil sa mataas na halaga ng binayaran nilang pagkain na aabot sa P26,100.
Kasunod nito ay eksklusibong nakapanayam ng Bombo Radyo Cebu ang turistang kinilalang si Engineer Eulay Colubio.
Ayon kay Colubio, inasahan na niyang mamahalin ang mga pagkain sa isla kaya nagdala pa sila ng kanin upang sa ganon ay makatipid, ngunit nang magbayad ay nabigla siya sa halaga ng bill na malayo sa inaasahan niya.
Nabatid na 13 sila lahat na bumisita sa sisal kasama ang isang bata at nabusog sa kinain ngunit ng matanggap ang bill na P26 thousand ay tila nawala ang kanilang pagkabusog at nagulat sa halaga ng bill.
Sa katunayan, ibinunyag ni Colubio na may ibang turista na nagrereklamo sa mataas na presyo at mayroon ding hindi bumili dahil sa hindi abot-kayang presyo.
Inihayag pa nito na okay lang magbenta ngunit wag naman maging abuso sa pagpapatong ng mga presyo sa mga produkto.
Ikinatuwa din ni Colubio ang agarang pagtugon ng mga awtoridad sa Bohol hinggil sa isyu at nanawagan na i-regulate ang mga presyong ibinebenta hindi lamang sa seaf