-- Advertisements --
oil spill

Umabot na sa mga world class at pampublikong beach resort ang naapektuhan ng oil spill sa lugar ng Oriental Mindoro.

Kaya naman ang ibang mga turista sa nasabing lugar ay kinansela na ang kanilang reserbasyon sa mga resorts upang magbakasyon sana ngunit nahadlangan ng patuloy na kumakalat na tumagas na langis.

Kung matatandaan, nagkaroon ng oil spill sa karagatan ng Oriental Mindoro dahil sa lumubog na oil tanker na may dalang 800,000 litro o katumbas ng 211,338 gallons ng industrial fuel oil nang magkaroon ito ng problema sa makina noong Pebrero 28 sa maalon na karagatan.

Ang pagpapanumbalik ng mga beach sa kanilang orihinal na malinis na kagandahan ay tatagal umano ng ilang buwan habang isinasagawa ang paglilinis nito.

Nag-aalala rin ang ilang mga environmentalist tungkol sa posibleng epekto ng oil spill sa ecosystem ng karagatan at sa kabuhayan ng mga mangingisda sa Oriental Mindoro.