LEGAZPI CITY – Binubuhay ngayon ng Masbate Provincial Tourism office ang sektor ng turismo sa lalawigan matapos na maapektuhan hindi lamang ng coronavirus pandemic kundi pati na rin ng magnitude 6.6 na lindol.
Ayon kay Masbate Provincial Tourism Officer Gerardo Presado, paunti-unti nang binubuksan ang mga atraksyon sa lalawigan subalit nadagdagan ang problema sa tumamang malakas na lindol.
Nabatid na wala namang napinsala sa mga tourist spots sa lalawigan subalit ang mga residente umano ang pinaka-apektado.
Sa kabila nito, panawagan ng opisyal sa publiko na makiisa sa kariktan ng paligid upang mabawasan ang stress at maiwasan ang depression na hamon para sa mga Masbateño.
Tuloy naman ang pagpapaabot ng tulong ng provincial government sa pamamahagi ng goods.