-- Advertisements --
baguio 1

BAGUIO CITY – Unti-unti nang nararamdaman ang pagbalik sa normal ng turismo sa City of Pines.

Sa pag-ikot ng Bombo Radyo News Team sa iba’t-ibang tourist destinations sa Baguio City, sinabi ng mga vendors na nakikita nilang muling dumarami ang mga turista sa lunsod.

Ayon sa mga vendors, unti-unti na silang nakakabawi mula sa kanilang pagkalugi sa mga nakaraang linggo.

Maaalalang inihayag ng mga vendors na naobserbahan nilang bumaba ang bilang ng mga turista sa Summer Capital of the Philippines sa mga nakaraang linggo dahil sa banta ng coronavirus disease.

Inihayag ng mga vendors sa Lion’s Head sa Kennon Road na dumarami na ang mga bumili sa iba’t-ibang produktong kanilang ibenebenta.

Naobserbahan din na dumarami na ang bilang ng mga namamasyal sa Burnham Park at iba pang parke sa lunsod.

Umaasa ang mga vendors na magpapatuloy ang magandang takbo ng turismo sa Baguio City lalo na’t inaabangan na ang mga highlights ng Panagbenga 2020 matapos ipagpaliban ang pagdiriwang sa mga ito dahil sa banta ng COVID 19.