-- Advertisements --
May malaking tulong para sa tuluyang paggaling ng ilang manlalaro ang Gilas Pilipinas ang mga isinasagawa nilang tune-up games sa European training camp.
Sinabi ni Gilas coach Chot Reyes na nakatulong sa paggaling mula sa kanilang MCL injuries nina June Mar Fajardo at Japeth Aguilar.
Tiwala si Reyes na sa mga susunod na mga linggo ay tuluyan ng gumaling mula sa kanilang injury ang nabanggit na mga manlalaro.
Naging limitado lamang din ang paglalaro ng dalawa sa panalo ng Gilas kontra sa Ukraine youth team na ginanap sa Lithuania.
Mayroong pang dalawang tune-up games ang Gilas bago ang pagbabalik nila sa bansa para sa hosting ng FIBA Basketball World Cup sa buwan ng Agosto.