-- Advertisements --

DAVAO CITY – Naibalik na sa isolation facity ang isang COVID-19 positive patient matapos tumakas noong nakaraang gabi gamit ang pintuan sa likod ng pasilidad at tumalon mula sa pader.

Inihayag ni Pol. Maj Jack Tilcag, hepe ng San Pedro Police Station, posibleng maharap sa kaso ang 31-anyos na pasyente at residente ng Purok 2, Brgy 6-A Lungsod ng Dabaw matapus tumakas mula sa RMC GYM Isolation Facility sa Mt. Apo Street, Brgy. 6-A.

Batay sa report, nagsagawa umano ng roll call sa mga pasyente ang isolation facility kaya nalaman na tumakas ito.

Sa ginawang man hunt operation ng mga otoridad ay nakita ang pasyente bandang 10:30 ng umaga kahapon habang nagtatago sa isang abandonadong truck sa bakanteng lote ng isang sementeryo hindi kalayuan mula sa isolation facility.

Kaagad na ni-rescue ng Rapid Action Team ng Philippine Red Cross ang pasyente at binalik sa pasilidad.

Siniguro naman ni Mjor Tilcag na hindi na-expose ang pasyente mula nang tumakas hanggang muling nakita batay na rin sa ginawang contact tracing.