-- Advertisements --
image 394

na sa Calapan City ang tumagas na langis mula sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress sa katubigan ng Naujan sa Oriental Mindoro.

Ito ang kinumpirma ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor kung saan ang lawak ng apektado ng oil spill sa shoreline ay nasa 500 meters.

Ito ay tugma sa naging pagtaya ng UP Marine Science Institue (UOMSI) na ang oil spill ay maaaring umabot pa sa nhilagang bahagi ng Mindoro kapag patuloy na humina ang Amihan o northeast monsoon.

Ayon sa Gobernador, naglagay na ang mga responder ng spill booms sa bahagi ng ilog para mapigilan ang oil spill na makontamina ang katubigan sa naturang lugar.

Apektado na rin ang kabuhayan ng mga residente sa lugar dahil sa oil spill.

Binigyan na rin ng 45 day cash for work program para sa mga apektadong manggagawa.