Tinatayang nasa kalahati na lamang ang naiwan mula sa oil tanker na lumubog sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Armand Blilo na sa 900,000 litro ng industrial fuel, tanging nasa 300,000 hanggang 400,000 litro na lamang ang natitirang langis sa barko bagamat patuloy pa rin itong biniberipika.
Saad pa ng opisyal na pinapaspasan na rin ng PCG ang gingawang mga hakbang para mapanatili ang langis sa tanker.
Kayat nakatuon aniya ang kanilang operasyon sa natitira pang langis upang hindi na ito tumagas pa.
Aniya, ang isa sa mga options ay ang paggamit ng remotely operated underwater vehicle para matanggal ang langis na natitira mula sa tanker.
Sa ulat ng PCG, basa kabuuang 10,163 litro ng oily water ang nakolekta at 123 sako ng oil-contaminated mateial sa may off shore operations mula Marso 1 hanggang Marso 17.