-- Advertisements --

Naniniwala si Atty. Chel Diokno na isang oportunindad ang naging desisyon ng korte na tuluyang sampahan ng kaso ang film director na si Jade Castro at tatlong mga kasamahan nito.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa insidente n umano’y pagsusunog sa isang modern jeepney sa Catanauan, Quezon Province.

Sa isang resolusyong, inirekomenda ni Assistant Prosecutor Lirio Roces Muñoz na kasuhan ng destructive arson ang suspek sa ilalim ng Article 320, Paragraph 3 ng Revised Penal Code.

Ayon kay Atty. Diokno, ang panibagong development na ito sa naturang kaso ay nagbibigay lamang kina Castro ng patunay na wala silang naging kasalanan sa kasong pagsusunog sa isang modern jeepney.

Samantala, sa panig naman ni Castro ay sinabi nito na bagama’t hindi niya matanggap ang naging desisyon sa naturang isyu ay ipinauubaya na lamang niya sa kanilang abogado ang paghawak sa kasong ito.