-- Advertisements --

Hinihintay pa ng World Health Organization (WHO) ang final approval para sila ay makatawid at madala ang mga tulong sa northwest Syria.

Ang nasabing lugar kasi ay hawak ng mga rebeldeng grupo matapos ang ilang taong civil war sa bansa.

Sinabi ni WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus na dumating na sa Aleppo, Syria ang ilang mataas na opisyal ng WHO na may dalang mahigit $290,000 na halaga ng mga trauma emergency at surgical kits.

Mula kasi noong tumama ang lindol ay hindi pa sila nakakapag-deliver ng mga tulong sa mga nasalanta ng lindol.