Tinupad na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang pangako nito sa mga magsasaka na palayain ang mga ito sa pagkakabaon sa utang.
Ito’y matapos lagdaan ng Pangulo ang New Agrarian Emancipation Act o ang House Bill No. 11593 na magbubura sa utang ng mga agrarian reform beneficiaries.
Nasa 600,000 farmer- beneficiaries sa buong bansa ang makikinabang sa nasabing batas.
Siniguro din ng chief executive na kaniyang itutuloy ang repormang agraryo—hindi lamang sa pamimigay ng lupa sa mga magsasakang hanggang ngayon ay wala pa ring lupa, kundi upang tuluyang palayain ito mula sa pagkakautang na pumipigil sa kanilang ganap na pagmamay-ari ng lupang bigay sa kanila ng pamahalaan.
Sinabi ng chief executive panahon na para makalaya ang mga magsasaka sa pagkaka utang.
-- Advertisements --