-- Advertisements --
image 2

Maaari ng makapag-claim ang mga benepisyaryo ng Asistance to Individuals in Crisis situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga satellite offices nito simula ngayong araw, Hunyo 1.

Ginawa ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez ang naturang paalala sa puliko dahil mas convenient at economical ito dahil malapit lang ito mula sa kanilang residence.

Paliwanag pa ng DSWD official na sa hilagang bahagi ng Metro Manila gaya ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela ay maaaring makapag-avail ng DSWD assistance sa Camanava satellite office sa Victory Trade Plaza sa Monumento, Caloocan city.

Habang ang mga nasa southern Metro Manila gaya ng Pasay, Parañaque, Muntinlupa, at Las Piñas ay maaaring makapag-request ng aid sa Baclaran Satellite Office sa Victory Food Market sa tabi ng Baclaran Church.

Ang mga benepisyaryo naman ng Assistance to Individuals in Crisis Situation sa mga bayan ng Norzagaray, Sta. Maria, Angat at lungsod ng San Jose del Monte sa Bulacan ay maaaring mag-avail sa SJDM Satellite Office sa isang mall sa Barangay Kaypian.

Nilinaw din ni Lopez na saklaw pa rin ng DSWD-NCR Regional Office sa Maynila ang mga benepisyaryo sa Manila, San Juan, Mandaluyong at Makati habang ang mga benepisyaryo naman sa QC ay maaaring makapag-avail sa DSWD Central Office sa may Batasan Road.

Ang inisyatibong ito ng DSWD ay isang paraan para ma-decongest ang kasalukuyang mga lugar para sa payout ng naturang assistance at maipamahagi ang mga serbisyo sa ilalim ng AICS ng direkta sa iba’t ibang parte ng Metro Manila at karatig na mga probinsiya.