-- Advertisements --

Kinontra ni Senador Ronald ”Bato” dela Rosa ang panawagan ng limang kapwa senador na kusang sumuko sa International Criminal Court (ICC), kasabay ng paninindigan niyang hindi siya magpapaaresto habang nagpapatuloy ang paggamit niya ng mga legal remedy.

Ayon kay Dela Rosa, hindi siya susuko at hinimok ang mga may-akda ng Senate Resolution 395 na huwag magmadali siya ay maaresto.

Ang naturang resolusyon ay una nang inihain nina Senate Minority Leader Vicente ”Tito” Sotto III, Senador Panfilo Lacson, Risa Hontiveros, Francis ”Kiko” Pangilinan, at Bam Aquino.

Sa hiwalay na panayam, sinabi pa ng senador na naniniwala siya na mayorya ng mga Pilipino ay tutol sa ideya na siya ay dalhin sa ICC.

Dismayado din ang senador sa panawagan ng ilang kapwa mambabatas na siya ay sumuko, at mas nasaktan daw siya nang makitang isa si Lacson sa mga lumagda sa resolusyon.