-- Advertisements --
PBBM10 1

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcios Jr. na magpapaabot ng tulong ang pamahalaan para sa mga indibidwal na apektado ng oil spill mula sa lumubog na oil tanker sa Oriental Mindoro.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Pangulo na ito ay sa gitna ng patuloy na pagsusumikap ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno upang tugunan ang nasabing suliranin.

Sa pamamagitan aniya ng Department of Social Welfare and Development ay nakahanda ang pamahalaan na magpaabot ng tulong sa mga Pilipinong apektado ng oil spill sa iba’t-ibang paraan.

Aniya, bukod dito ay mahigpit din binabantayan ng Philippine Coast Guard ang mga developments sa nasabing lugar.

Habang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) naman ay patuloy din ang pakikipagtulungan sa International Maritime Organization at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagbibigay ng suporta at iba pang specific needs ng mga apektadong mamamayan.

Bukod dito ay binigyang-diin din ni Marcos Jr. na bibigyan ng special attention ang mga lokal na mangingisda na pangunahing naapektuhan ang kabuhayan nang dahil sa oil spill.

Kung matatatandaan, Pebrero 28 iniulat ng PCG ang namataan nitong oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel malapit sa Naujan island, Oriental Mindoro.