-- Advertisements --

Umaabot na sa $28 million o katumbas ng P1.38 billion ang naipagkaloob na tulong ng Estados Unidos sa bansa para labanan ang epekto ng COVID-19.

Ayon sa US Embassy, ang nasabing halaga ay hindi lamang para sa bakuna kundi maging sa iba’t-ibang medical supplies at facilities na kinakailangang bilhin.

Tiniyak ng US government ang patuloy ang magiging pag-alalay nila sa Pilipinas sa COVID response nito.

Habang may iba pang mga programang ipinagkakaloob ang Estados Unidos para umalalay sa ating mga kababayan.