-- Advertisements --

Tinawagan ni British Prime Minister Boris Johnson si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Sinabi ni Zelensky na isa sa mga tinalakay nila ang pagtanggal sa mga nakaharang na barko ng Russia sa mga pantalan para malayang makagalaw ang mga trigo na kanilang inaangkat.

Kinumpirma rin ni Johnson na magbibigay sila ng bagong defense support package para panlaban sa pananalakay ng Russia.

Tiniyak din sa kaniya ni Johnson na patuloy ang kanilang gagawing pakikipagtulungan para maiwasan ang krisis sa pagkain.