-- Advertisements --
nick mendros

Hinikayat ng Commission on Elections(COMELEC ) ang publiko na tumulong para matugunan ang problema sa flying voters.

Sinabi ni Comelec Director Nick Mendros na malaki ang maitutulong ng publiko upang malabanan ang matagal nang problema sa flying voters.

Sa registration period pa lamang aniya, kailangan ding magbantay ang publiko dahil sa batid nila kung sino ang mga nakatira sa kani-kanilang mga barangay, at kung sino-sino ang patuloy na naninirahan sa mga ito.

Ayon kay Director Mendros, ginagamit ng ilang mga pulitiko ang naturang taktika upang mapataas ang bilang ng mga nakukuhang boto sa tuwing sumasapit ang halalan.

Hinahakot aniya ang mga botante na hindi naman residente sa lugar kung saan sila tatakbo.

Ayon sa opisyal, malaki ang tulong ng publiko para mabawasan o tuluyan nang matuldukan ang naturang mudos, dahil nakakasira ito sa kasagraduhan ng halalan.

Kailangan din umanong on-time ang pag-report ng publiko o bago pa man nakarehistro ang mga flying voters, upang mabantayan ang paghahakot sa kanilang magrehistro sa isang lugar na hindi naman sila kwalipikadong magrehisto at bomoto.