-- Advertisements --
Bumubuhos pa rin ang tulong militar ng mga iba’t-ibang bansa sa Ukraine.
Nagkasundo ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) na magsusuplay sila ng counter-drone equipment sa Ukraine.
Sinabi ni NATO chief Jens Staoltenberg na ang hakbang ay kasunod ng kahilingan ng Ukraine ng dagdag ng air defense system.
Ang mga drones aniya ay kayang tapatan ang drones ng Russia na binili sa Iran at ginagamit na pang-atake sa ilang bahagi ng Ukraine.
Isa rin ang bansang Spain na nagpahayag ng pagbibigay ng air defense “Hawk systems” sa Ukraine.
Kinumpirma ito ni US Defense Secretary Lloyd Austin ng magsagawa ng pagpupulong ng mga defense secretary ng iba’t-ibang bansa.