-- Advertisements --

Bumuhos ang tulong sa Canad mula sa iba’t-ibang bansa para labanan ang malawakang wildfire.

Ang nasabing wildfire na nagsimula noong nakaraang buwan ay nakatupok na ng mahigit 4.3 milyon na hektarya ng lupain.

Naapektuhan ang operasyon ng minahan maging ang mga flights sa Canada at US ay apektado ng nasabing malawakang wildfire.

Nagpadala na ang US ng ilang daang bumbero para maapula ang sunog habang nangako na rin ang ilang mga kaalyadong bansa ng US at Canada.

Nakarating na rin sa US ang makapal na usok mula sa Canada kung saan pinayuhan ng mga otoridad ang mga tao na huwag lumabas.