-- Advertisements --

Tutol ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa panukalang palawigin ang probationary period ng mga empleyado sa bansa.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni TUCP president Raymond Mendoza na sa halip na makatulong sa mga manggagawang Pilipino, lalo lamang aniya lalaganap ang kontraktwalisasyon.

Batay sa House Bill 4802 na inihain ni Probinsyano Ako party-list Rep. Jose “Bonito” Singson Jr., sa halip na anim na buwan ay gagawin nang dalawang taon ang probationary employment period sa bansa.

Ayon kay Singson, hindi sapat ang anim na buwan na probationary period na itinatakda ng Labor Code para matukoy kung ang isang empleyado ay qualified para sa regularization sa isang trabaho, partikular na sa mga trabaho na required ang pagkakaroon ng specialized skills at talents.

Pero mariing iginiit ni Tanjusay na maraming laborers ang magdurusa sa oras na maisabatas ang panukalang ito, lalo na pagdating sa mga benepisyong kanilang matatanggap.

Inihalimbawa nito ang 13th month pay na ibinibigay lamang sa isang empleyado na regular ang employment status.