Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa kinikilala bilang treatment para sa COVID-19 ang kilalang anti-tuberculosis vaccine na BCG (Bacillus Calmette–Guérin).
Pahayag ito ng DOH sa gitna ng mga lumulutang na ulat ukol sa pagiging epektibo ng nasabing gamot sa ilang pasyente ng COVID-19 abroad.
“We would like just to remind the public na kapag nakakabasa tayo ng mga ganitong artikulo, hindi ibig sabihin na ito ay aprubado na at pwedeng gamitin,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Paliwanag ng opisyal kailangan pa ring dumaan sa regulatory process ang mga bakuna tulad ng BCG kung ito man ay mapapatunayang epektibo, at nais subukan sa mga kaso ng sakit sa Pilipinas.
Sa ngayon wala pa rin daw matibay na ebidensya kung epektibo at ligtas gamitin sa COVID-19 patients ang naturang anti-tuberculosis vaccine.
“Wala pang sapat na evidence that would say that BCG can have this good effect for COVID-19. Let’s just wait for adequate scientific evidence at that, for the results of these studies that are being undertaken in other countries so that we can properly informed.”
Dito sa Pilipinas, kaka-apruba lang sa medicinal plant na lagundi bilang treatment sa COVID-19. Una nang trials sa virgin coconut oil para maging alalay na gamot din ng mga tinamaan ng coronavirus disease sa bansa.