WELLINGTON – Kaagad nang binawi ng New Zealand’s Civil Defence organization ang inilabas na tsunami warning kasunod ng pagtama ng magnitude 7.2 na lindol sa kanilang bansa nitong Linggo ng umaga.

Maging ang Pacific Tsunami Warning Center ay inalis na rin ang banta ng tsunami sa bahagi ng South Pacific pero nagbabala hinggil sa “minor sea level fluctuations” sa ilang coastal areas na nilindol.

Una rito, tumama ang malakas na pagyanig malapit sa malayong Kermadec Islands sa hilagangsilangang bahagi ng New Zealand.

May lalim ito na 10 kilometers. (CNA)