-- Advertisements --

Naglabas ng tsunami warning ang gobyerno ng Tonga matapos ang pagtama ng magnitude 7.9 na lindol.

Ayon sa Tonga government na kahit hindi direkta nangyari sa kanila ang lindol ay ramdam ng buong bansa ito.

Pinayuhan nila ang mga residente na lumikas at magtungo sa mas mataas at matibay na lugar.

May lalim na 10 kilometers ang lindol at ito ay tumama sa 200 kilometers silangan ng Neifu, Tonga.

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay sumabog ang underwater volcano na naglabas ng makapal na usok, gas na nagdulot ng tsunami sa pacific ocean.